1.TAGPO by: Jeamil Del Pilar
Binuksan ko na ang ating libro At nakita ko ang ating mga litrato Kung saan tayo’y nagtagpo Pero hindi hanggang dulo
At sa bawat pahina na aking nakikita Mas lalong naiisip kita Sana nag-paalam ka muna Para hindi ako naiwang luhaan
At ang ating mga pangako Ay tuluyan na ngang naglaho Pano na ang ating mga hiling? Na tayo’y sa dulo ay magkapiling?
Sana sa huli nating pagtatagpo Sana ito’y hanggang dulo At sa muli nating pagkikita Sana mahal parin natin ang isa’t isa
2. Biglaang Pag-ibig by: Jeilo Alpino
Nagsimula ang lahat sa sungitan Hindi ko inaasahang ikay aking iibigin Sa iyong mga ngiti, akoy nabighani Sa likod ng mga sungitan, may may pag-ibig na palang nabubuo
Lumipas ang oras at araw Ika’y aking naging kaibigan Ay tayo’y lubusang nagkakilala Sa isang lugar kung saan tayo unang nagkita
Habang ika’y kasama sa bawat araw at oras Ninanais ko tuloy na panabain ang segundo Upang masulit ang bawat minuto sa tabi mo Bastat alam ko lang ako’y masaya sa tuwing ika’y aking nasisilayan Salamat mahal at ika’y dumating
3. Alagaan ang Kalikasan by: Isis Trisha Negru
Ang kalikasan ay dapat nating ingatan Dahil ito’y bigay ng kataas-taasan Mga halaman na dapat pahalagahan Mga hayop na dapat alagaan
Simoy ng hangin na pwedeng langhapin Mga huni’t nito ay nakakapagpakalma sa isip natin Kahit saan tayo’y tumingin Makikita parin natin ang napakagandang tanawin
Puno’t halaman, yaman ng kagubatan Mga agos tubig ay maririnig Ibon na kumakanta sa himpapawid Kaya’t kagubatan, di dapat kalbuhan
Unang ginawa ng diyos ang kalikasan Sinunod tayo para ating paglingkuran Kaya’t tayo na magtulungan mga kaibigan Mahalin at alagaan natin ang inang kalikasan
4. Tula by: Shiela Mae Nical
Apat na letra, mahirap ipag tugma-tugma, subalit nag bago ang lahat—simula… Simula nung dumating ka at itama ang bawat lirika—
Hindi ko na wari pang kailangan, gagmitan pa ng makalumang salita upang… Upang maparamdam sa’yo ang payak na nararamdaman,
Gagawin ko itong isang tulang malaya— Sa paraang hindi kita pinapalaya—
Hayaan mong magpatuloy ako sa pinta, Ipinta ang tulang sinimulan natin dalawa, kahit pa waring ating tinta ay paubos na—
Kaya’t hayaan mo akong gamitin ang sariling dugo— h’wag lang mahinto sa salitang pagsuko,
Papel man ay mapunit, Lapis man ay maubos, Mga kamay man ay magka paltos, Ay pipiliting kwento natin ay hindi dito magtapos
Asahan mong hindi makabakante ang aking mangyari, Abutin man ng dilim sa pagsulat sinta, o maubos man ang apoy ng lampara, Pipilit paring kapain ng bawat letra,
Hindi matatapos ang tula , sa salitang “hanggang dito na lang” hindi matatapos ang ating tula sa salitang pamamaaalm.
5. Pamilya by: Ronald Ongcal
Ang pamilya ko’y likha ng Diyos Sa tahanan namin naroon ang kasiya’t lungkot Kahit na may mga problema’y di kami magpapatalo
Sama sama kaming haharap Sa hamon ng buhay at aabutin ang tunay na tagumpay Pagmamahalan ang aming susi upang pamilya namin maging matatag at maligalig
Ang aking ama ay tunay na haligi ng tahanan Iniingatan kami’t di siya nagpapahlaga sa pera o yaman Bagkus bang binigay ng oras ng atensiyon sa aming mga katunungan